|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Kambodya—Ginanap Huwebes, Mayo 17, 2018 ang kauna-unahang Cambodia-China Tourism Forum na naglalayong hanapin ang pagkakataon para ibayo pang mapahigpit ang ugnayang panturismo ng dalawang bansa.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mahigit 400 kinatawan ng mga pamahalaan at industriya ng turismo ng Tsina at Kambodya.
Sina Du Jiang (kaliwa), Opisyal ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, at Hor Namhong (kanan), Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, sa seremonya ng pagbubukas ng Cambodia-China Tourism Forum
Sa kanyang talumpati sa seremonya, nagpahayag si Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya ng pag-asang mapapalakas ng mga departamento ng turismo ng dalawang bansa ang kooperasyong panturismo, at magkasamang mapapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Du Jiang, Opisyal ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, na sa ilalim ng pag-oorganisa ng kanyang ministri, ang kasalukuyang pagdalaw ng isang dibersipikadong delegasyong sa mataas na antas sa Kambodya ay naglalayong tupdin ang Memorandum of Understanding sa kooperasyong panturismo na nilangdaan ng Tsina at Kambodya noong isang taon, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyon sa turismo.
Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang panig Tsino't Kambodyano tungkol sa mga paksang kapuwa nila pinahahalagahan na gaya ng pasilitasyon ng ugnayang panturismo, promosyong panturismo, pagsasanay ng talento, plano sa turismo, pamumuhunan sa turismo at iba pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |