![]( /mmsource/images/2019/01/18/3ae6c3d60d2f47738c1d7695a14f1d25.jpg)
Si U Thit Lin Ohwn, Embahador ng Myanmar sa Tsina at Rotating na Pangulo ng Beijing Commission ng ASEAN
![]( /mmsource/images/2019/01/18/b47c4a31de084ad2a8a93144741ed92e.jpg)
Si Xu Ningning, Punong Tagapagpanganap ng CABC
Idinaos kahapon, Enero 17, 2019, sa Beijing ang China-ASEAN Celebrating New Year Activity na magkasanib na itinaguyod ng China-ASEAN Business Council (CABC) at Beijing Commission ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Lumahok sa aktibidad ang mga 200 tauhan mula sa kinauukulang departamento ng mga bansang ASEAN, sirkulo ng bahay-kalakal, media at iba pa, na kinbibilangan nina U Thit Lin Ohwn, Embahador ng Myanmar sa Tsina at Rotating na Pangulo ng Beijing Commission ng ASEAN, at Xu Ningning, Punong Tagapagpanganap ng CABC, at iba pa.
Layon ng China-ASEAN Celebrating New Year Activity na pasulungin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Sunud-sunod na idinaraos ang akdibidad na ito nitong nakaraang 20 taon. Kabilang sa mga aktibidad nang araw rin iyon ay 2019 Dialogue Meeting on ASEAN Business Opportunities, 2019 New Year Party at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni U Thit Lin Ohwn na ang China-ASEAN Celebrating New Year Activity ay may positibong katuturan para sa pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig. Sa mula't mula pa'y, ang Tsina at ASEAN ay matalik na magkaibigan at magpartner, aniya. Dagdag niya, kinakatigan ng ASEAN ang "Belt &Road" Initiative, samantalang sinusuportahan ng Tsina ang pagtatatag ng ASEAN Community at nukleong katayuan ng ASEAN sa rehiyon. Ito ay makakatulong sa pagsasakatupara ng kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito, aniya.