|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng pagtatagpo Martes, Enero 22, 2019 sa Moscow nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, ipinahayag ng una na kailangan pa rin ang oras at pasensya sa paglutas sa problema sa kasunduang pangkapayapaan ng Rusya at Hapon para makuha ang katanggap-tanggap na kalutasan.
Sinabi ni Putin na ang kasalukuyang mahalagang tungkulin ng dalawang bansa ay igarantiya ang sustenable at komprehensibong pag-unlad ng relasyong Ruso-Hapones. Bukod dito, ang mga mararating na komong palagay ng dalawang panig ay dapat makakuha ng pagkakilala at pagkatig ng mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Abe na bagama't nagiging mahirap, dapat lutasin ang nasabing problema.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |