![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Idinaraos sa Davos, Switzerland ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) para sa taong 2019. Ang tema ng pulong ay Globalisasyon 4.0: Paghubog ng Pandaigdig na Arkitektura sa Panahon ng Ika-4 na Industriyal na Rebolusyon.
Sa ika-4 na industriyal na rebolusyon, bilang kinatawan ng mga bagong teknolohiya, ang digital technology ay pinahahalagahan ng lahat ng mga bansa.
Kaugnay nito, sa kanyang talumpati, ipinalalagay ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na ang digital economy ay magpapasulong sa progresong pangkabuhayan.
Ipinahayag naman ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya ang buong tatag na pagsuporta ng kanyang bansa sa mahigpit na superbisyon sa digital technology, para makatugon sa kahilingan ng pamilihan at lipunan at maprotektahan ang interes ng mga indibiduwal.
Bilang kinatawan ng mga bahay-kalakal, ipinahayag naman ni Jack Ma, co-founder ng Alibaba, e-commerce giant ng Tsina ang kanyang pagkabahala sa superbisyon. Paliwanag niya, nasa pasimulang yugto ang sangkatauhan sa panahon ng digital technology.
Ipinahayag ang katulad na pag-alala ni Virginia Rometty, Chief Executive Officer (CEO) ng IBM. Tingin ni Rometty, ang labis na superbisyon ay makakapinsala sa digital economy.
Sinabi naman ni Chen Long, Direktor ng Luohan Academy, isang bukas na plataporma ng pananaliksik na nasa pagtataguyod ng Alibaba, na kailangang kailangan ang superbisyon sa mga bagong teknolohiya na tulad ng digital technology. Kakailanganin nito ang mabisang kooperasyon sa pagitan ng mga organong pampubliko at pribado.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |