Inulit ng Tsina ang buong tatag na pananangan sa komprehensibong pagbubukas sa labas at pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), para maiangat ang bukas na kabuhayang pandaigdig.
Winika ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Enero 24, bilang tugon sa pagpapahalaga ni Michael Moller, Director-General ng United Nations Office sa Geneva ng papel ng Tsina sa pangangalaga sa multilateralismo.
Sa panayam kamakailan, sinabi ni Moller na sa harap ng nahahating pananaw sa daigdig, napakahalaga ng ginagampanang papel ng Tsina sa pagsuporta sa multilateralismo. Binalik-tanaw rin niyang noong 2017, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang buong-tatag na pananangan sa multilateralismo sa kanyang keynote speech sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) sa Palace of Nations. Saad ni Moller, sa susunod na dalawang taon, ipinapatupad ng Tsina ang mga pangako nito sa pamamagitan ng konkretong aksyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac