|
||||||||
|
||
Inamin ng panig opisyal ng Brazil na 34 na katao ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng dam sa isang minahan ng bakal sa estado ng Minas Gerais, na naganap nitong Biyernes. Samantala, mahigit 300 katao ang nawawala.
Ayon sa ulat, makaraan ang aksidente, halos isang daang relief workers ang sumugod sa pook na pinangyarihan para magsagawa ng search at rescue operation. Mula nitong Sabado, mas maraming grupong panaklolo mula sa iba't-ibang departamento ang magkakasunod na lumahok sa gawaing panaklolo.
Sa isang pahayag na inilabas Enero 25 ni Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil, nagpahayag siya ng "lubos na kalungkutan" sa nasabing pangyayari. Ipinahayag niya na binuo na ng pamahalaan at departamentong pangkapaligiran ang espesyal na komisyon para hawakan ang mga problemang dulot ng aksidenteng ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |