|
||||||||
|
||
Mula Enero 30 hanggang 31, 2019, idinaos sa Beijing ang Five Nuclear-Weapon States Conference. Ito ang unang opisyal na pulong ng limang bansang taglay ang sandatang nuklear nitong dalawang taong nakalipas.
Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Enero 31, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na narating sa pulong ang tatlong mahalagang komong palagay na nakakatulong sa pagpapalakas ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pandaigdigang kapaligirang panseguridad.
Ayon kay Geng, ang nasabing tatlong pagkakasundo ay ang sumusunod: una, ipinangako ng limang bansa na magkakasamang isabalikat ang responsibilidad ng kapayapaan at kaligtasang pandaigdig; ikalawa, ipinangako ng limang bansa ang magkakasamang pangangalaga sa mekanismo ng "Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons"; ikatlo, ipinangako ng limang bansa na patuloy na gamitin ang platapormang pangkooperasyon ng limang bansa upang mapanatili ang kanilang diyalogo at pagsasanggunian.
Dagdag pa niya, binigyan ng lubos na papuri ng kalahok na iba't-ibang panig ang mga natamong positibong bunga sa pulong.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |