|
||||||||
|
||
Sa regular na preskong idinaos sa Beijing Lunes, Setyembre 26, 2016, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang pinaninindigan at aktibong itinataguyod ng Tsina ang komprehensibong pagbabawal sa paggamit at isinusulong ang pagwawasak ng mga sandatang nuklear. Aniya, sa mula't mula pa'y iginigiit ng panig Tsino ang pangako nitong hindi munang gumamit ng sandatang nuklear, at hindi rin gagamitin o pagbabantaang gamitin nang walang-pasubali ang ganitong sandata sa mga bansa't rehiyon na walang sandatang nuklear.
Ani Geng, ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng paglalagda ng "Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT)." Aniya, nitong 20 taong nakalipas, ang pagbabawal ng nuclear test ay naging komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ang kaukulang resolusyong pinagtibay ng United Nations (UN) Security Council ay may positibong katuturan para ulitin ang target ng nuclear test ban, at mapasulong ang pagkabisa ng kasunduang ito sa pinakamadaling panahon, aniya pa.
Dagdag pa ni Geng, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para mapasulong ang pagpapatupad ng nasabing kasunduan sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |