|
||||||||
|
||
Ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itataguyod ng bansa ang berde, inklusibo, bukas at ligtas sa katiwaliang Winter Olympic Games sa 2022.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), sa Great Hall of the People sa Beijing nitong Huwebes, Enero 31.
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang mariing pagbabawal o zero tolerance sa doping sa palakasan.
Pinasalamatan ng pangulong Tsino si Bach sa matibay na suporta ng IOC sa pag-unlad ng isports ng Tsina. Ipinahayag din ni Xi ang paghanga sa IOC sa ibinigay na ambag nito sa kapayapaan ng daigdig.
Nilakbay-suri ni Bach ang ilang lugar na pagdarausan ng 2022 Winter Olympic Games. Saad niya, hinangaan niya ang episyensya ng Tsina sa paghahanda sa gaganaping palaro. Naniniwala aniya siyang ang Tsina ay magdaraos ng kahanga-hangang Winter Games.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |