Sinabi kahapon, Lunes, ika-4 ng Hunyo 2018, sa Beijing ni Pangalawang Premyer Sun Chunlan ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan at aktibong pinasusulong ng kanyang bansa ang paghahanda para sa 2022 Beijing Winter Olympics.
Winika ito ni Sun sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Thomas Bach ng International Olympic Committee. Dagdag niya, pabibilisin ng Tsina ang konstruksyon ng mga venue at imprastruktura para sa palarong ito, at palalakasin ang mga gawain ng pag-oorganisa at paglilingkod, para tupdin ang pangakong idaos ang isang natatangi, kahanga-hanga, at napakahusay na Winter Olympic Games. Sasamantalahin din aniya ng Tsina ang pagdaraos ng palarong ito, para pasulungin ang paglahok ng mga mamamayan sa winter sports.
Binigyan naman ni Bach ng mataas na pagtasa ang paghahanda ng Beijing Winter Olympics, at pinasalamatan niya ang ambag ng Tsina sa Olympic Movement.
Salin: Liu Kai