|
||||||||
|
||
Makaraang ideklara nitong Biyernes, Pebrero 1, 2019, ng pamahalaang Amerikano ang pagsisimula ng proseso ng pagtalikod ng Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty, magkasunod na nanawagan ang pamahalaang Pranses at Aleman na panatilihin ang diyalogo para mapangalagaan ang kasunduang ito.
Nagpahayag ang Pransya ng kalungkutan sa pagtalikod ng Amerika sa INF Treaty. Nanawagan ito sa Europa at mga kaukulang panig na pangalagaan ang umiiral na arms control treaty.
Pagkatapos ng pagtalikod ng Amerika ng INF Treaty, ang Strategic Arms Reduction Treaty (START) ay magsisilbing tanging arms control treaty sa pagitan ng Amerika at Rusya.
Ipinahayag ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, sa loob ng darating na anim na buwan, patuloy na makikipagdiyalogo ang kanyang bansa sa Rusya tungkol sa INF Treaty. Sinabi niya na dapat panatilihin ang pagbubukas ng pinto ng talastasan.
Samantala, sa isang pahayag na inilabas nitong Biyernes ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), nagpahayag ito ng ganap na pagkatig sa pagtalikod ng Amerika sa INF Treaty.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |