|
||||||||
|
||
Ipinatalastas ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na mula nitong Sabado, Pebrero 2, 2019, ititigil ng kanyang bansa ang pagtutupad ng obligasyon ng Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty at pasisimulan ang proseso ng pagtalikod ng kasunduang ito.
Kaugnay nito, sinabi Sabado, Pebrero 2, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulungkot ito ng panig Tsino. Aniya, maraming beses na ipinahayag ng panig Tsino ang paninindigan nito sa isyu ng INF Treaty.
Sinabi niya na bilang isang mahalagang bilateral na kasunduan sa larangan ng arms control at disarmament, ang nasabing kasunduan ay may napakahalagang katuturan para sa pagpapahupa ng relasyon ng mga malaking bansa, pagpapahigpit ng kapayapaang panrehiyon at pandaigdig, at pangangalaga sa estratehikong pagkabalanse at katatagan sa buong mundo. Tinututulan ng panig Tsino ang pagtalikod ng Amerika sa kasunduang ito, at hinihimok nito ang Amerika at Rusya na maayos na hawakan ang kanilang alitan sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |