Ipinatalastas nitong Linggo, Pebrero 3, local time ng Kagawaran ng Tanggulang-bansa ng Estados Unidos ang pagpapadala ng karagdagang 3750 sundalo sa hanggahan ng bansa at Mexico.
Ayon sa Pentagon, kabilang sa dalawang pangunahing misyon ng nasabing bagong tropa ay pag-i-instala ng wire barriers na may haba na mga 240 kilometro at pagsasagawa ng mobile surveillance sa lugar na panghanggahan. Tatagal nang 90 araw ang kanilang misyon.
Kung idaragdag ang mga bagong sundalo, tinatayang aabot sa 4350 ang kabuuang bilang ng mga sundalong Amerikano na nakatalaga sa hanggahan sa Mexico.
Salin: Jade
Pulido: Mac