Pinasinayaan nitong Martes, Pebrero 5, sa Bangkok, Thailand ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Chinese New Year. Nasa magkakasamang pagtataguyod ang selebrasyon ng mga ministri ng kultura at turismo ng Tsina't Thailand, Pasuguan ng Tsina sa Thailand at iba pa. Lumahok sa pasinaya ang mga kinatawan at panauhin mula sa dalawang bansa na kinabibilangan nina Punong Ministro Prayut Chanocha at Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand.
Nagpalitan din ng mga regalo at alaala ang mga panauhin ng dalawang bansa.
Ito ang ika-14 na pagkakataon na lumahok ang prinsesang Thai sa naturang selebrasyon.
Tatagal ang selebarasyon hanggang Pebrero 18.
Salin: Jade
Pulido: Mac