Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, idinaos ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-02-09 16:42:06       CRI

Idinaos ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, ika-8 ng Pebrero, 2018, sa Manila ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year. Dumalo sa resepsyon sina Gloria Macapagal Arroyo, dating pangulo ng Pilipinas, Salvador Medialdea, Executive Secretary ng Pilipinas, Enrique Manalo, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Pilipinas. Lumahok din pagtitipon ang mga tauhan mula sa iba't ibang sirkulo ng Manila, mga kinatawan ng overseas and ethnic Chinese at mga estudyanteng Tsino sa Pilipinas.

 Dumalo sa resepsyon sina Gloria Macapagal Arroyo, dating pangulo ng Pilipinas, Salvador Medialdea, Executive Secretary ng Pilipinas, Enrique Manalo, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Tan Qingsheng, Charge d'affaires ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas ay pumasok na sa bagong "Ginintuang Panahon," sa ilalim ng pagpapahalaga ng mga lider at magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, matatag at malayo na ang pag-unlad na narating ng Tsina at Pilipinas, at maganda ang hinaharap ng relasyon ng dalawang bansa. Ang taong 2017 ay makabuluhan para sa Tsina, dahil natamo ang mahalagang progreso sa pakikipagrelasyon sa Pilipinas, dagdag niya. Ang madalas aniyang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang bansa ay nagkakaloob ng matatag na patnubay at malakas na tagapagpasulong na puwersa para sa relasyong Sino-Pilipinas.

Sinabi rin ni Tan na bilang mahalagang partner, aktibong isinusulong ng Tsina ang pag-uugnay ng mga estratehiya ng dalawang bansa, at aktuwal na kumakatig sa pag-unlad ng kabuhayan at katatagan ng lipunan ng Pilipinas. Sinabi pa niyang ang pag-unlad ng Tsina ay tiyak na magdudulot ng mas maraming magandang pagkakataon para sa Pilipinas, at ang pag-unlad ng nasabing relasyon ay magbibigay din ng benepisyo para sa mga mamamayan ng kapuwa panig. Tatalima aniya ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, mananangan sa bukas na estratehiyang may win-win situation, at patuloy na pasusulungin ang "Belt and Road" initiative. Ipinagdiinan din niyang walang humpay na pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng "community of shared future for China-ASEAN" para sa kasaganaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, batay sa patakarang diplomatiko sa mga kapitbansa na inklusibo, may pagkakaibigan, katapatan, at mutuwal na kapakinapangan.

salin:Lele

Larawan: Ernest\Sissi

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>