Ipinahayag sa Beijing Martes, Pebrero 12, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na magkasamang magsisikap ang Hilagang Korea at Amerika para mapasulong ang pagtatamo ng ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa ng positibong bunga.
Ayon sa ulat, idinaos kamakailan sa Moscow ang pagsasangguniang Sino-Ruso tungkol sa seguridad ng Hilagang Silangang Asya kung saan tinalakay ng dalawang panig ang situwasyon ng Korean Peninsula. Ani Hua, kinakatigan ng Tsina at Rusya ang pagpapabuti ng relasyon ng Hilagang Korea at Amerika.
Salin: Li Feng