|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Biyernes, Abril 21, 2017, ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na kasalukuyang mahigpit nilang sinusubaybayan ang motibo ng Amerika laban sa bansa. Lubos aniyang handa ang hukbong Hilagang Koreano upang tugunan ang anumang tangka ng Amerika.
Kinondena rin ng nasabing tagapagsalita ang sinabi kamakailan ni Australian Foreign Minister Julie Bishop tungkol sa Hilagang Korea. "Kulang si Bishop ng pundamental na kaalaman tungkol sa situwasyon ng Korean Peninsula," sambit ng tagapagsalita.
Ayon sa ulat, binatikos kamakailan ni Bishop ang Hilagang Korea na grabeng nagbabanta sa kapayapaang panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa isinasagawang patakaran ng Amerika sa Hilagang Korea.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |