Sa isang working meeting ng palasyong pampanguluhan ng Venezuela, ipinahayag ni Nicolas Maduro, Pangulo ng bansang ito, na sa hinaharap, puspusang pauunlarin ang kakayahan ng bansa para maging bansang nagluluwas ng pagkain at maisakatuparan ang dibersidad ng estrukturang ekonomiko. Nanawagan din siya sa lahat ng kaukulang departamento na magkakasamang magsikap para mapanatili ang matatag na operasyon ng kabuhayan at mabigyang-kasiyahan ang araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan.
Sinabi ni Maduro na hindi yuyukod ang Venezuela sa imperyalismo. Hinding hindi magtatagumpay ang anumang pagtatangkang sirain ang kaayusang pangkabuhayan ng Venezuela, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng