|
||||||||
|
||
Noong Marso 8, 2013, sa panahon ng kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Lalawigang Jiangsu sa unang sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat palalimin ang pagsasaayos sa estruktura ng industrya, at itatag ang bagong sistema ng pag-unlad ng modernong industriya, para mapataas ang kalidad, episyensya at espasyo ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Sa ilalim ng patnubay ni Xi, tuluy-tuloy na pinag-iibayo ng Lalawigang Jiangsu ang pagsasaayos sa estruktura ng industrya, pagpapabuti ng alokasyon ng industrya, pagpapasulong sa urbanisasyon, at buong lakas na pinasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.
Noong 2018, naisakatuparan ng nasabing lalawigan ang 9.26 trilyong yuan RMB na Gross Regional Product (GRP). Ito ay lumaki ng 6.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Sapul noong 2013, mahigit 10% ang karaniwang taunang paglaki ng halaga ng produksyon ng mga strategic emerging industry ng Jiangsu, at tumaas sa 43.8% ang proporsyon ng halaga ng produkto ng mga high-tech na bahay-kalakal, mula 37% noong nakaraan.
Nitong nakalipas na 5 taon, puspusan ding pinataas ng Jiangsu ang kalidad ng urbanisasyon. Sa kasalukuyang taon, binabalak ng nasabing lalawigan na isagawa ang renobasyon sa 620 nayon sa kahilagaan ng lalawigan, at pabutihin ang kondisyong panirahan at pamumuhay ng 300,000 pamilya ng mga magsasaka, sa loob ng 3 taon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |