Noong nagdaang Enero, 84.18 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 4.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, malinaw ang bahagdan ng paglaki ng hay-tek na bahay-kalakal, lalung lalo na, industriya ng hay-tek na serbisyo.
Kabilang sa mga pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhunan, pawang lumaki ang puhunang dayuhan na aktuwal na inilaan ng mga bansang may kinalaman sa Belt and Road, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Unyong Europeo (EU). Magkakaiba naman ang bahagdan ng paglaki ang pamumuhunan sa Tsina ng Hong Kong, Singapore, Amerika, Britanya at Netherlands, kabilang dito, umabot sa 124.6% ang paglaki ng pamumuhunan ng Amerika sa Tsina.
Ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na patuloy na magsisikap ang Tsina, para walang humpay na likhain ang mas magandang kapaligiran ng pamamalakad ng iba't ibang uri ng bahay-kalakal, at maakit ang mas maraming pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan.
Salin: Vera