Nag-usap Pebrero 21, 2019, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina at Chingiz Aidarbekov, Ministrong Panlabas ng Kyrgyzstan. Ipinahayag ni Wang na ang Kyrgyzstan ay mahalagang partner na matatag na kumakatig at aktibong lumalahok sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI), umaasa siyang walang humpay na palalawakin ang espasyo ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa pamamagitan ng kooperasyon ng BRI. Ipinahayag din ni Wang ang pagtatanggap sa pagdalo ng Pangulo ng Kyrgyzstan sa ika-2 Summit ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na gaganap sa Abril.
Bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), idaraos ng Kyrgyzstan ang ika-19 na pulong ng Konseho ng mga Lider ng Kasaping Bansa ng SCO sa Hunyo ng taong ito.
Salin:Lele