|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Linggo, Pebrero 24, 2019, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ipapataw ng kanyang bansa ang mas maraming sangsyon laban sa Venezuela para mapalakas ang presyur sa pamahalaan ng nasabing bansa.
Sinabi ni Pompeo na posibleng ipagkaloob ng Amerika ang mas maraming makataong tulong sa Venezuela. Hahanapin aniya ng kanyang bansa ang iba pang paraan para maigarantiya ang pagdating ng mga tulong na materyal sa loob ng Venezuela. Sa pulong ng "Lima Group" na gaganapin Pebrero 25 sa Colombia, tatalakayin ng Amerika at mga kalahok na bansa ang isyung ito.
Nitong ilang araw na nakalipas, magkakasunod na naihatid ang mga tulong na materyal ng Amerika sa hanggahan ng Colombia at Brazil, mga kapitbansa ng Venezuela. Umaasa ang panig Amerikano na makakapasok ang mga ito sa loob ng Venezuela. Ngunit tinanggihan ng pamahalaan ng Venezuela ang "makataong tulong" mula sa Amerika. Sinarhan ng Venezuela ang Venezuelan-Brazilian border, at pinutol ang relasyong doplimatiko nito sa Colombia.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |