|
||||||||
|
||
Cultural Center of the Philippines (CCP), Manila — Maringal na ginanap Lunes ng gabi, Pebrero 25, 2019, ang isang pagtatanghal na pinamagatang "Beautiful China, Scenic Guangxi." Ang aktibidad na ito ay magkakasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, Departamento ng Kultura at Turismo ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, at Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines.
Nanood sa nasabing pagtatanghal sina Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), Luo Gang, Counselor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, at mahigit 1,200 manonood.
Kasunod ng Singapore, Cyprus, Bahrain, Oman, Malta, ang Pilipinas ay ika-6 na hinto ng pagbiyahe ng naturang grupong pansining ng Guangxi.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |