Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kulturang Guangxi, tampok sa Ika-19 na Philippines-China Traditional Culture Festival

(GMT+08:00) 2019-02-24 15:37:58       CRI

Idinaos kagabi, Pebrero 23, 2019, sa Chinese Garden, Rizal Park, Manila ang Ika-19 na Philippines-China Traditional Culture Festival (PCTCF). Malaking pagtanggap mula sa mga manonood na Manilenyo ang nakuha ng pagtatanghal ng mga artista mula sa Guangxi Zhuang Autonomous Region Opera Theatre.

Sa kanyang mensahe, mataas na pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang positibong papel ng PCTCF sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at sa pagpapataas ng unipikasyon ng komunidad ng Pilipinas.

Si Pan Feng, Cultural Counselor ng Chinese Embassy sa Pilipinas

Sinabi naman ni Pan Feng, Cultural Counselor ng Chinese Embassy sa Pilipinas, na ang mga sayaw, opera at costume show na dinala ng mga artista ng Guangxi Opera Theatre ay nagpapakita ng makulay at katangi-tanging kulturang etniko ng probinsyang Guangxi ng Tsina.

Nakapagbibigay aniya ang mga ito ng malalaim at magandang impresyon sa mga Manilenyo.

Bukod sa tradisyonal na paper cut, pagtugtog ng Guzhen at mga lantern riddle, idinispley rin at ibinenta sa naturang aktibidad ang mga intangible culture heritage ng Guangxi tulad ng bronze drum, embroidered ball, tsaa at iba pa.

Ang aktibidad na ito ay magkasamang itinaguyod ng pamahalaan ng Maynila, Embahada ng Tsina sa Pilipinas, Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc at Filipino-Chinese Youth Educational Center.

Ulat: Sissi
Pulido: Rhio
Web Editor: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>