Nakatakdang magbukas Marso 3 ang ikalawang sesyon ng ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong tagapayong organong pampulitika ng Tsina.
Pinagtibay ang nasabing desisyon ng ika-5 pulong ng Pirmihang Komite ng ika-13 pambansang komite ng CPPCC.
Kabilang sa agenda ng gaganaping taunang sesyon ay pagdinig at pagsuri sa ulat hinggil sa trabaho ng naturang komite at ulat hinggil sa kung paano nalutas ng komite ang mga proposal ng mga miyembro nito pagkaraan ng naunang taunang sesyon.
Ang mga lalahok sa taunang sesyon ng CPPCC ay dadalo rin sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, bilang non-voting participants. Mapapakinggan at tatalakayin din nila ang hinggil sa ulat hinggil sa mga gawain ng pamahalaang Tsino. Makikilahok din sila sa diskusyon hinggil sa balangkas ng batas na may kinalaman sa puhunang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Mac