Sa kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Shandong sa Dalawang Sesyon noong Marso 8, 2018, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat buong tatag at mainam na isakatuparan ang estratehiya ng pagpapa-ahon ng kanayunan. Samantala, umaasa aniya siyang makakapagbigay ng ambag ang probinsyang Shandong para sa konstruksyon bilang isang maritime power. Nitong isang taong nakalipas, buong taimtim na tinutupad ng mga kadre at mamamayan ng Shandong ang kalihingan ni Xi, pinasisigla ang inobasyon, at buong tatag na pinasusulong ang pag-unlad nito sa mataas na kalidad.
Upang maisakatuparan ang kahilingan ni Xi, isinapubliko ng probinsyang Shandong ang estratehikong plano ng pagpapa-ahon ng kanayunan mula 2018 hanggang 2022. Diin pa ni Xi, dapat pasulungin ang pag-ahon ng mga rural organizations at itatag ang mas maraming matibay na rural basic-level party organization.
Nitong isang taong nakalipas, ginagawang matibay na garantiyang pulitikal ng probisnyang Shandong sa pag-ahon ng kanayunan ang pag-ahon ng organisasyon, bagay na nagbuo ng bagong kayarian ng pagpapa-ahon ng kanayunan sa probinsyang ito.
Salin: Li Feng