Kaugnay ng kasalukuyang alitan sa pagitan ng India at Pakistan, hiniling ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa dalawang panig na magtimpi at lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.
Sa preskon ngayong umaga ng idinaraos na ikalawang taunang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, inilahad ni Wang na bilang di-maihihiwalay na magkapitbansa, kapuwa ang India at Pakistan ay may makasaysayang sibilisasyon at kinakaharap ang komong pagkakataon sa katatagan, kaunlaran at kasaganaan.
Umaasa aniya ang panig Tsino na babaguhin ng dalawang bansa ang krisis bilang pagkakataon para malutas ang kasalukuyang pagkakaiba at magkasamang lumikha ng magandang kinabukasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac