Kaugnay ng naganap na deadly mass shooting incident sa Christchurch, New Zealand, sinabi Biyernes, Marso 15, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na kinondena ito ng panig Tsino. Nagpahayag siya ng lubos na pakikidalamhati sa mga nasawi, at taos-pusong pakikiramay sa mga sugatan at kamag-anakan ng mga biktima.
Biyernes ng hapon, naganap ang mass shooting sa dalawang mosque sa lunsod Christchurch. Ikinamatay na ito ng 49 katao at ikinasugat ng marami pa.
Salin: Li Feng