|
||||||||
|
||
Nagtagpo ngayong araw sa Singapore sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand, sa sidelines ng Ikalawang Pulong ng mga Lider ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sina Punong Ministro Ardern (kaliwa) at Premyer Li (kanan)
Nagkasundo ang dalawang punong ministro na magkaroon ng talastasan hinggil sa pag-a-upgrade ng kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa para mapalawak ang bilateral na pagkakalakalan at pamumuhunan. Ito anila ay palatandaan bilang pagsuporta ng dalawang bansa sa malayang kalakalan at ibayo pang pagbubukas ng pamilihan ng bansa.
Nakahanda rin silang mapalawak ang pagtutulungan sa edukasyon, turismo, pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), agrikultura, produktong gatas at produktong kahoy, sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ipinahayag din nila ang kahandaan na palakasin ang pag-uugnayan sa reporma ng World Trade Organization (WTO), pagbabago ng klima at iba pa para magkasamang mag-ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng Asya-Pasipiko.
Salin: Jade
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |