|
||||||||
|
||
Sampung workshop ang pinasinayaan nitong Sabado, Marso 16 sa Nyemo, bayan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Layon nitong tulungan ang mga mahirap na mamamayang lokal na makaalpas sa karalitaan, sa pamamagitan ng tradisyonal na kahusayan.
Sa mga workshop, maaaring matutunan ng mga mamamayang Tibetano ang paggawa ng mga gawang-kamay na intangible na pamanang kultural, na gaya ng insensong Tibetano, Nyemo sutra streamers o Buddhist prayer flags, lilok-kamay ng Pusum, at paggupit ng papel ng Xoleg.
"Sa pamamagitan ng mga workshop, hindi lamang ipinapakilala ang mga tradisyonal na gawang-kamay ng mga Tibetano, makakalikha rin ito ng kita," saad ni Long Zhigang, Pangalawang Puno ng Departamento ng Kultura ng Tibet.
Si Basang, isang miyembro ng kooperatiba ng paggupit ng papel ng Xoleg ay kumikita ng 3,000 yuan (447 U.S. dollars) bawat buwan at nakabili ng bagong muwebles at mga makinaryang pang-agrikultura sapul nang magsimula siyang matuto ng kahusayan, tatlong taon na ang nakaaraan. Siya ay natuto mula kay Cering Doje, dalubhasa at tagapamana ng pambasnang intangible na kultura ng Tsina.
Isang boluntaryong grupo na binubuo ng 25 tagapamana ng intangible cultural heritages ang nagsasagawa ng pagsasanay sa Nyemo County, sa tulong ng isang milyong yuan na pondong pinansyal ng bansa noong 2018. Ipagpapatuloy ang karagdagang tulong pinansyal sa taong ito.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |