|
||||||||
|
||
Marso 21, 2019, sisimulan ang unang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong bansang Europeo sa kasalukuyang taon. Ang Italya ay unang hinto ng nasabing biyahe.
Sa bisperas ng kanyang pagdalaw, inilabas ni Pangulong Xi ang may lagdang artikulong pinamagatang "East Meets West—A New Chapter of Sino-Italian Friendship" sa pahayagang Corriere Della Sera ng Italya. Ani Xi, ang paraan ng pamumuhay at ideya ng industriya na pinag-iisa ng mga luma't modernong elemento, klasikal na estilo at inobasyon ay nag-iwan ng malalimang impresyon sa kanya.
Dagdag ni Xi, sa proseso ng mahigit 2,000 libong taong pag-uugnayan, binuo ang ideya ng paggagalangan, pagtitiwalaan at paghiram ng karanasan ng isa't isa, at nagsilbi itong garantiya sa walang humpay na pagtibay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Kaugnay ng kung paanong lilikhain ng Tsina at Italya ang mas magandang kinabukasan, sa ilalim ng kasalukuyang pabagu-bagong kalagayang pandaigdig, saad ni Xi, nais niyang pamumunuan, kasama ng mga lider ng Italya ang bagong panahon ng relasyong Sino-Italyano, sa pamamagitan ng kanyang gagawing dalaw-pang-estado.
Ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Italya. Sa susunod na taon naman, sasalubungin ng dalawang bansa ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong diplomatiko. Mahalagang mahalaga ang katuturang historikal ng pagdalaw ng kataas-taasang lider ng Tsina sa Italya, sa ganitong masusing panahon.
Isa sa mga tampok ng nasabing pagdalaw ay ibayo pang palalakasin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa pagtatatag ng Belt and Road, para makapaghatid ng mas maraming aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Mararating din ng magkabilang panig ang isang serye ng mga kasunduan sa mga larangang gaya ng diplomasya, kabuhaya't kalakalan, kultura, imprastruktura, makinarya, pinansya at iba pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |