Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: gagawing biyahe ng pangulong Tsino sa Europa, magsisilbing highlight ng relasyong Sino-Europeo

(GMT+08:00) 2019-03-19 16:33:57       CRI

Huwebes, Marso 24, 2019, sisimulan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa tatlong bansang Europeo na kinabibilangan ng Italya, Prinsipalidad ng Monaco at Pransya. Ito ang unang biyahe ni Xi sa ibayong dagat sa kasalukuyang taon.

Nauna rito, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na malinaw ang signal na ipinapadala ng gagawing biyahe ni Xi sa Europa, ibig sabihin, kahit anu-anong pagbabago ang magaganap sa kalagayang pandaigdig, itinuturing na mahalaga't may priyoridad na direksyon ng relasyong panlabas ng panig Tsino ang relasyong Sino-Europeo. Tinaya rin niyang magsisilbing highlight ng diplomasya ng Tsina sa Europa sa kasalukuyang taon ang nasabing gagawing biyahe ni Xi.

Sa panahong ng kanyang pagdalaw sa Europa noong nagdaang 5 taon, binigyang-diin ni Pangulong Xi na dapat tingnan ang relasyong Sino-Europeo sa estratehikong pananaw, pag-isahin ang mga puwersa, pamilihan at sibilisasyon ng Tsina at Europa, at magkasamang likhain ang partnership ng kapuwa panig sa apat na aspektong kinabibilangan ng kapayapaan, paglago, reporma at sibilisasyon. Sa ilalim ng ganitong estratehiya, masiglang masigla ang mga bagong natamong progreso ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng magkabilang panig. Walang humpay ring dumarami ang komong interes, komong paninindigan at komong target.

Ang palagiang paggigiit ng Tsina at mga bansang Europeo sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibiga't pangkooperasyon ay mahalaga ring sanhi ng highlight ng relasyong Sino-Europeo. Ang Tsina at Europa ay pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Noong unang dalawang buwan ng taong 2019, 737.63 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan, na lumaki ng 8.9%, at ito ay katumbas ng 16.2% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.

Pagpasok ng taong 2019, lipos ng pagbabago ang daigdig, lalung lalo na, ang Europa. Sa harap ng epekto ng unilateralismo, proteksyonismong pangkalakalan, populism at terorismo, sasalubungin ng Europa ang halalan ng Unyong Europeo (EU). Sa ilalim ng ganitong pabagu-bagong kalagayan, kinakailangan ng mga mamamayan ang katatagan at positibong puwersa na dulot ng relasyong diplomatiko ng malalaking bansa.

Ang gagawing biyahe ng pangulong Tsino sa tatlong bansang Europeo ay hindi lamang magbibigay-daan sa sinerhiya ng konektibidad ng Europa at Asya, at magkakaloob ng bagong lakas-panulak para sa sustenableng paglago ng kabuhayang pandaigdig, kundi makakalikha rin ng bagong kabanata ng pagpapasulong sa mapagkaibigang pakikipamuhayan, kooperasyon, at win-win situation ng mga bansa sa loob ng rehiyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>