Sa kanyang pagdalaw sa Monaco, nakipag-usap Marso 24, 2019, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Prince Albert II ng Monaco. Ito ang kauna-unahang dalaw ng puno ng estado ng Tsina sa Monaco.
Tinukoy ni Xi na dahil sa pagkakahawig ng mga mamamayang Tsino at Monaco sa maraming aspekto, napapanatili ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Aniya, nitong mahigit 20 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Monaco, laging may pakikitungo ang dalawang panig batay sa katapatan, pagkakaibigan at pagkakapantay-pantay. Ang pragmatikong kooperasyon sa pangangalaga ng kapaligiran, tele-komunikasyon, at mobile payment ng dalawang bansa ay nasa unang hanay sa daigdig, dagdag ni Xi.
Pinapurihan naman ni Prince Albert II ang papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima. kumakatig din aniya siya sa pagdaraos ng Tsina ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity sa susunod na taon.
Salin:Lele