Sa paanyaya ni Prince Albert II, Punong Ehekutibo ng Monaco, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa bansang ito. Ito ang magiging unang biyahe ng pangulong Tsino sa nasabing bansa.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Zhai Jun, Embahador ng Tsina sa Monaco, na ang nasabing biyahe ni Pangulong Xi Jinping ay makakapagpasulong nang malaki sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at makakalikha ng isang magandang modelo ng pantay at mapagkaibigang pakikipamuhayan ng malaki at maliit na bansa para sa daigdig.
Salin: Li Feng