Ayon sa estadistika na ipinalabas noong ika-26 ng Marso ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Boao Forum for Asia (BFA), ang Asya ay naging rehiyon na may pinakamabilis na paglaki ng kabuhayan sa buong daigdig. Nitong nakaraang 10 taon, ang contribution rate nito sa paglaki ng GDP ng daigdig ay umabot sa 60%.
Sa news briefing na idinaos noong Marso 26, Ibinahagi ang mga ulat ng BFA, na nagpakita na datapwa't may epekto ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ang kabuhayang Tsino ay nagpakita ng malakas na kakayahan ng paglaban sa epekto, at lubos na gumaganap ng papel bilang pillar o poste ng kabuhayang Asyano.
Ipinahayag din sa BFA ng iskolar ng Johns Hopkins University na ang pag-unlad ng Tsina sa larangan ng pananalapi at pagbabago ng teknolohiya ay nagdulot ng bagong tagapagpasulong na puwersa para sa paglaki ng kabuhayan.
Ipinahayag rin ni Michele Geraci, Ministro sa Pag-unlad ng Kabuhayan ng Italy, na nakahanda ang mga bansang Europeo na lumahok sa Belt and Road Initiative (BRI), at nananalig siya na, sa pamamagitan ng modelo ng Italy, tiyak na mayroong mas maraming bansa sa EU ang lalagda sa katulad na kasunduan sa Tsina.
Salin:Sarah