Mula Marso 26 hanggang 29, 2019, gaganapin sa Boao, probinsyang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa 2019 na may temang "Komong Kapalaran, Komong Aksyon, Komong Kaunlaran." Sa ngayon, ang BFA ay nagsisilbing mataas na platapormang pandiyalogo para mapasulong ang integrasyong panrehiyon ng Asya. Pinagsasama rin nito ang malawakang komong palagay, at itinatatag ang komunidad ng komong kapalaran.
Bilang unang mahalagang aktibidad pandiplomatiko na iho-host ng Tsina sa kasalukuyang taon, lalahok sa BFA ang mahigit 2,000 panauhin mula sa mahigit 60 bansa na kinabibilangan ng maraming dating politikong dayuhan, mahigit 50 opisyal na ministeriyal at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mahigit 180 puno ng mga bahay-kalakal, at iba pa.
Salin: Li Feng
Pulido: Rhio