Pumunta kamakailan sa Beijing ang ilang eksperto ng International Olympic Committee (IOC) para suriin ang mga natamong progreso ng Organising Committee para sa 2022 Winter Olympics sa larangan ng paglilinis at paghawak sa mga basura.
Ayon sa ulat, binigyan ng nasabing mga eksperto ng papuri at katiyakan ang iba't-ibang ginawang paghahanda ng Beijing sa larangan ng paglilinis at paghawak sa mga basura. Ipinalalagay nilang sa kasalukuyan, ang mga natamong progreso ng iba't-ibang paghahanda ay angkop sa layunin at prinsipyo ng IOC. Inaasahan nila na sa pamamagitan ng mabuting serbisyo sa larangan ng paglilinis at paghawak sa basura, maihahatid ang isang mas malinis at sibilisadong Winter Olympic at Paralympic Games para sa mga atleta, media, at manonood mula sa buong daigdig.
Salin: Li Feng