Hanoi, Biyetnam—Ginanap Martes, Abril 2, 2019 ang aktibidad ng pagpapalitang kultural ng mga kabataang Tsino at Biyetnames.
Isinalaysay ni Su Hongtao, Pangalawang Direktor ng China Soong Ching Ling Science & Culture Center for Young People, na 27 batang artistang Tsino ang kalahok sa nasabing pagpapalitan. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng naturang aktibidad, malalaman ng mga kabataang Biyetnames ang tradisyonal na kultura ng Tsina, mapapasulong ang pagpapalitan at pag-uugnayan ng mga kabataang Tsino't Biyetnames, at ibayo pang mapapalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen Thi Thu Mai, Prinsipal ng Lomonoxop Primary School ng Biyetnam, na ang ganitong pagpapalitang pangkultura't pansining ay makakatulong sa pagpapatuloy ng magandang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng Embahada ng Tsina sa Biyetnam at Ministri ng Kultura, Palakasan at Turismo ng Biyetnam.
Salin: Vera