Ngayong araw, Biyernes, ika-5 ng Abril 2019, ay ang Qingming Festival o Tomb-sweeping Day ng Tsina. Ito ay panahon kung kailan nagbibigay-galang ang mga Tsino sa puntod ng kani-kanilang ninuno at yumaong mahal sa buhay.
Ayon sa ulat mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, sa taong ito, ang pagsusunog ng paper money, isang pangunahing kagawian ng pagbibigay-galang sa puntod noong dati, pero masama sa kapaligiran at sanhi ng sunog, ay pinalitan na ng mga paraang mabuti sa kapaligiran na gaya ng pag-aalay ng mga bulaklak o greeting card.
Salin: Liu Kai