Ipinakilala nitong Martes, Abril 9 ng China Media Group (CMG) ang sampung programa nito sa MIPTV Cannes 2019, isa sa pinakamahalagang trade show para sa TV at media ng daigdig.
Kabilang sa naturang sampung programa ay isang dokumentaryo hinggil sa tanawin ng Tsina, dalawang dokumentaryo hinggil sa sibilisasyon at relikyang kultural ng Tsina, isang dokumentaryo hinggil sa ugnayang pangkultura ng Tsina't mga bansa ng Timog-silangang Asya, isang dokumentaryong may kinalaman sa mapagkaibigang kasaysayan ng Tsina't mga bansang Arabe, isang serye ng programa hinggil sa pag-unlad ng Tsina na magkasamang inilunsad ng Tsina't Pransya, isang cartoon na magkasamang ginawa ng Tsina't Rusya, isang cartoon na ginawa ng Tsina, isang talent show, at isang show na nagtatampok sa mga pamilyang Tsino sa ibayong dagat.
Salin: Jade
Pulido: Rhio