|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, sa kanyang pakikipagtagpo sa White House kamakailan kay Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang kahandaang idaos ang ikatlong pakikipagdiyalogo kay Kim Jong-un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea. Aniya pa, sa kasalukuyan, hindi isasaalang-alang ng Amerika ang pagdaragdag ng mga sangsyon laban sa Hilagang Korea.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Abril 12, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang panig Tsino na mapapanatili at malalimang mapapasulong ang tunguhin ng diyalogo sa Korean Peninsula.
Ani Lu, ang pagpapatuloy ng tunguhin ng diyalogo at pagpapasulong ng proseso ng talastasang pangkapayapaan tungkol sa Korean Peninsula ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |