|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Biyernes, Agosto 24, 2018, ni US President Donald Trump na hiniling na niya kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ipagpaliban ang biyahe niya sa Hilagang Korea sa susunod na linggo.
Ani Trump, hindi pa natamo ng Amerika ang "sapat na progreso" sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Ngunit, nagpahayag siya ng pag-asa na bibisitahin ni Pompeo ang Hilagang Korea sa malapit na hinaharap.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |