Makaraang magbabala noong Abril 8 ang Amerika, na papatawan nito ng karagdagang taripa ang mga produkto ng Unyong Europeo (EU) na nagkakahalaga ng halos 11 bilyong dolyares, inilabas nitong Miyerkules, Abril 17, 2019 ng EU ang isang tariff list ng mga produktong Amerikano na nagkakahalaga ng halos 20 bilyong dolyares. Binalaan din ng EU ang Amerika na papatawan din ng karagdagang taripa ang nasabing mga produkto.
Sa isang pahayag, sinabi ni Cecilia Malmstrom, Komisyoner ng EU na Namamahala sa Suliraning Pangkalakalan, na dapat ipagtanggol ng EU ang pantay na kapaligirang kompetitibo para sa industriya ng paggawa ng Europa. Ipinalabas din ng pahayag ang malinaw na signal na umaasa ang EU na malulutas ang mga problema sa pamamagitan ng talastasan.
Salin: Li Feng