|
||||||||
|
||
Hiningi Martes, Mayo 1, 2018 ng Uniyong Europeo (EU) sa Estados Unidos ang permanenteng eksempsyon sa taripa sa bakal, makaraang ipatalastas ng White House ang pagpapalawig ng naturang eksempsyon sa taripa para sa bakal at aluminyo hanggang sa Hunyo 1, 2018. Ipinagdiinan din ng EU na hindi ito makikipagtalastasan sa Amerika sa ilalim ng pagbabanta.
Noong Abril 30, ipinatalastas ng White House na pinal na palalawigin ng 30 araw ang nasabing eksempsyon sa EU, Canada, at Mexico para sa talastasan. Nauna rito, isinagawa ng White House ang eksempsyon sa nabanggit na mga ekonomiya hanggang Mayo 1.
Ipinahayag ng EU na ang naturang desisyon ng Amerika ay nagpapatagal ng kawalang-katiyakang pampamilihan. Sa katotohanan, naaapektuhan na ang mga kapasiyahang pangnegosyo. Anito pa walang batayan ang White House sa pagpapataw ng taripa, sa pangangatwiran ng pambansang seguridad, dagdag pa ng EU.
Salin:Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |