Ang e-commerce ay nagsisilbi ngayon bilang bagong tampok sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa magkakasamang pagpapasulong ng mga kasapi ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.
Ito ang ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa regular na preskon sa Beijing nitong Huwebes, Abril 18.
Dagdag pa ni Gao, nitong limang taong nakalipas sapul nang ilunsad ang BRI, mabilis na umuunlad ang kalakalan sa paninda sa pagitan ng Tsina at iba pang mga kasaping bansa. Mula 2013 hanggang 2018, lumampas sa 90 bilyong dolyares ang direktang puhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ibang mga bansa ng BRI, na umabot sa 5.2% ang taunang paglaki. Kasabay nito, mapanlikha rin ang mga bansa sa pamamaraan ng pagkakalakalan na gaya ng cross-border na e-commerce. Sa kasalukuyan, naitatag ng Tsina at 17 bansa ang mekanismong pangkooperasyon ng e-commerce.
Salin: Jade
Pulido: Mac