Idinaos sa Beijing Miyerkules, Abril 24, 2019 ang Pulong ng Pagkakatatag ng Belt and Road Studies Network (BRSN). Nagbigay ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa pangyayaring ito.
Tinukoy ni Xi na ang pag-unlad ng kasaysayan, kasaganaan ng sibilisasyon, at pagsulong ng sangkatauhan ay hindi mai-hihiwalay sa pamumuno ng modernong ideya. Aniya, ang "Belt and Road" Initiative ay nagmula sa Tsina at para sa buong daigdig.
Sinabi pa niya na ang BRSN ay mahalagang puwersa sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road." Ang pagsasagawa ng pagpapalitan at pagtutulungan ng BRSN ay nakakatulong sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagpapasulong ng magkakasamang pagtatayo ng nasabing inisyatiba, dagdag niya.
Salin: Li Feng