Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagtatatag ng Pandagat na Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan, iminungkahi ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-04-24 09:27:52       CRI

Iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang bansa na magkakasamang magsikap para mapangalagaan ang kapayapaang pandagat at itatag ang Pandagat na Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan.

Si Pangulong Xi, kasama ng mga punauhing dayuhang lumahok sa selebrasyon

Iniharap ng pangulong Tsino ang nasabing mungkahi sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Abril 23, sa mga puno ng delegasyon mula sa 61 bansang dayuhan na lumahok sa pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng hukbong pandagat ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na ginanap sa Qingdao, baybaying lunsod sa dakong silangan ng Tsina.

Diin ni Xi, ang planetang mundo ng sangkatauhan ay hindi pinaghihiwalay sa mga isla, sa halip, pinag-uugnay ito sa pamamagitan ng mga karagatan at bumuo sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan. Patuloy aniyang mananangan ang hukbong pandagat ng Tsina sa patakaran at hakbang depensibo, sa halip ng opensibo at paiiralin ang bagong kaisipan ng komprehensibo, kooperatibo at sustenableng katatagan. Nakahanda aniya ang hukbong Tsino na magsikap, kasama ng mga counterpart na dayuhan para matiyak na ang lahat ng mga bansa sa daigdig ay maaaring magtamasa ng benepisyong dulot ng pandagat na kaunlaran at kasaganaan.

Aabot sa 20 sasakyang pandagat mula sa 13 bansang dayuhan na kinabibilangan ng Pilipinas, India, Hapon, Rusya, Thailand, Vietnam, Malaysia, Brunei, Singapore, Australia, Myanmar, Bangladesh, at Timog Korea ang nakilahok din sa parada ng hukbong pandagat ng Tsina. Kabilang sa mga ito ay Akizuki-class destroyer na Suzutsuki ng Hapon. Ayon sa Kyodo News agency, ang pakikilahok ng delegasyong Hapones sa selebrasyon ng hukbong pandagat ng Tsina ay bahagi ng pagsisikap para mapalakas ang tiwala sa pagpapalitang pandepensa.

Nitong 70 taong nakalipas, kasabay ng pagpapataas ng kakayahan ng sarili, aktibo rin ang hukbong pandagat ng Tsina sa pagtupad sa tungkulin para maprotektahan ang kaligtasan ng pandaigdigang katubigan, at magkaloob ng pandagat na ayudang medikal. Hanggang ngayon, 32 escort formation, 103 sasakyan, 69 helikopter, at mahigit 27,000 opisyal militar at sundalo ang naipadala ng hukbong pandagat ng Tsina para kombuyin ang 6,600 sasakyang pandagat na Tsino at dayuhan. Nitong sampung taong nakalipas, aabot sa 43 bansa't rehiyon ang dinalaw ng Peace Ark hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina, at mahigit 230,000 serbisyong medikal ang naipagkaloob ng bapor.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>