|
||||||||
|
||
Linggo ng umaga, ika-21 ng Mayo, 2017—Kasiya-siyang natapos ang dalaw-pangkaibigan ng hanay ng hukbong pandagat ng Tsina sa Myanmar.
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na itinatag na ng Tsina at Myanmar ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership. Aniya, ang pagdaraos ng kauna-unahang magkasanib na pagsasanay ng dalawang hukbong pandagat ay palatandaan ng pagdating ng bago't mas mataas na lebel ng pagtitiwalaang pulitikal ng mga hukbo. Ito rin ang naglatag ng mahalagang pundasyon para sa kooperasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo sa hinaharap, dagdag pa ni Hong.
Kinumusta ng mga kinatawan ng hukbong pandagat ng Tsina ang mga ulila sa Thanlyin Orphanage ng Yangon.
Dumating ng Myanmar ang nasabing hanay noong ika-18 ng Mayo, pagkatapos ng pagdalaw nito sa Malaysia. Nauna rito, kinumusta ng mga kinatawan ng nasabing hanay ang mga ulila sa Thanlyin Orphanage ng Yangon. Bukod dito, isinagawa ng mga sundalo't opisyal ng dalawang hukbo ang mga aktibidad na gaya ng pagpapalitan, football match at iba pa. Ang pagbubukas naman sa publiko ng Chinese vessel ay umakit ng mahigit 2,000 bisita.
Ang Myanmar ay ika-4 na hinto ng biyahe ng nasabing hanay na Tsino sa ibayong dagat. Ayon sa plano, ang susunod na hinto ay Bangladesh.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |