Sa seremonya ng pagbubukas ng International Horticultural Exhibition 2019 Beijing na ginanap Linggo, Abril 28, 2019, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pangalagaan ang panlahat na pagkabalanse ng ekolohiya ng mundo. Aniya, dapat hayaan ang susunod na henerasyon na hindi lamang tamasahin ang masaganang yamang materyal, kundi makita rin ang mga bituin sa himpapawid at luntiang bundok, at maamoy ng halimuyak ng mga bulaklak.
Diin ni Xi, kung makatwirang gagamitin at mapagkaibigang pangangalagaan ang kalikasan, tiyak na tatanggapin ng sangkatauhan ang biyayang ibabalik ng kalikasan.
Salin: Vera