Kasama ng mga dayuhang lider at kanilang asawa, bumisita nitong Linggo, Abril 28, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa na si Peng Liyuan, sa horticultural exhibition.
Sa pagbisita sa pabilyong Tsino, tinukoy ni Xi na ipinakikita nito ang malalim na kulturang rehiyonal, ikinukuwento ang magandang horticultural na istorya, at pinagtitipun-tipon ang mga natamong bunga ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng Tsina. Ipinakikita ng mga ito ang ideya ng Tsina at daigdig sa paghahanap ng luntiang pamumuhay at pagtatamasa ng bunga ng pag-unlad, dagdag niya.
Lubos na pinapurihan naman ng mga dayuhang lider ang natamong bunga ng Tsina sa konstruksyon ng silibisasyong ekolohikal ng Tsina. Ipinahayag nila ang pag-asang ibayo pang mapapalakas ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina para magkakasamang maitayo ang maganda at makulay na lupang tinubuan ng daigdig.
Bukod dito, magkakasunod na bumisita sina Xi Jinping, Peng Liyuan, at mga dayuhang lider sa mga flowerbeds ng Cambodia, Myanmar, Nepal, Pakistan, Hapon, Singapore, at iba pang bansa.
Salin: Li Feng